4 na rumesponde sa Kalibo airport fire, sugatan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

KALIBO, Aklan – Apat na bombero ang nasugatan matapos na aksidenteng madisgrasya ang sinasakyang fire truck sa pagresponde sa sumabog na gulong ng eroplano ng Seaair, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga nasugatan na sina Peter Dela Cruz, 45, driver ng Barangay Poblacion, Kalibo; Servando Naka, 33, ng Bgy. Poblacion, Madalag; Judy Morales, 56, ng Kalibo; at Glen Masigon.

Sakay ang apat na bombero sa Oshkosh Firetruck nang mangyari ang aksidente matapos na madaanan ng sasakyan ang irrigation canal ng airport at nasira ito. (Jun N. Aguirre)