2 patay sa salpukan ng motorsiklo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Nagmistulang nagsabong na manok sa ere ang dalawang motorsiklo makaraang mag-head-on collision ang mga ito noong Huwebes ng gabi, na ikinamatay ng dalawang driver, sa Barangay Road na sakop ng Barangay Malaya sa bayang ito.

Kinilala ng Sto. Domingo Police ang mga biktimang sina Renmar Ponce Grospe, 16, ng Sitio Gulayan, Bgy. Malaya; at Jairo Casili y Ibarra, 23, ng Bgy. Malasin, kapwa sa Sto. Domingo.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Mark Anthony Limban, dakong 9:30 ng gabi at minamaneho ni Grospe ang kanyang motorsiklo (CX-4579) nang nakasalubong niya ang motorsiklong minamaneho ni Ibarra na galing sa Bgy.Visoria sa Quezon, Nueva Ecija. (Light A. Nolasco)