‘Magandang Buhay,’ eere na sa Lunes

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“KARLA (Estrada), Jolina (Magdangal) at Melai (Cantiveros) ang billing siguro, kasi si Melai homegrown talent ‘yan ng Dos dahil PBB winner, di ba? Si Jolina, nagbabalik lang naman ulit sa career niya, gayundin si Karla. 

melai, karla, at jolina

Bukod tanging si Melai lang ang hindi nawala,” paliwanag sa amin ng taga-ABS-CBN nang tanungin namin kung paano ang magiging billing ng tatlong host sa bagong talk show na kapalit ng KrisTV.

Magsisimula na silang umere sa Abril 18, Lunes.

‘Magandang Buhay’ ang titulo ng talk show, na hinango sa seryeng Dream Dad ni Zanjoe Marudo kasama si Jana Agoncillo.

Nakakadalawang taping na ang Magandang Buhay na ayon sa kuwento ng mga nakapanood ay masaya naman daw lalo na ang pilot episode nila na guest ang KathNiel.

Ano ang pagkakaiba ng Magandang Buhay sa KrisTV na halos pareho lang naman ang format, tanong namin sa kausap namin.

“Pangmasa ang Magandang Buhay, at tatlo ang hosts, so may kanya-kanya silang inputs, unlike si Kris, solong host lang at may kasamang guest co-host,” sagot ng nakapanood ng taping.

“Riot ‘yung KathNiel episode, abangan mo,” dagdag pa nito.

As of now ay hindi pa raw nape-preview ng management ang Magandang Buhay pero naniniwala naman ang nagkuwento sa amin na maaaprubrubahan ito dahil maganda at entertaining.