Aktor, namigay ng ipinagbabawal na gamot

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

NASA isang masayang event ang sikat na love team at kasama ng aktor ang kaibigang nakasama niya noong hindi pa sila sikat at may nakakita sa abutan nila ng tableta na pinagdududahang ipinagbabawal na gamot.

Katabi ng sikat na love team ang aming source kaya kitang-kita niya kung ano ang ginagawa ng aktor na ka-love team ng aktres.

May inabot ang aktor sa kaibigang nakasama niya noong hindi pa sila sikat at sabay inom kaya nagulat ang aming source dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Tabletang asul ang nakitang ibinigay ng aktor na ininom ng kaibigan niya, pero sabi ng aming source ay hindi naman niya nakitang uminom ang aktor.

Sabi namin baka naman gamot ‘yun sa sakit ng ulo o anuman.

“Hindi, ilang minuto lang naging wild na, ang ingay-ingay na,” sabi ng aming source.

Baka kasi magaling na ‘yung sumasakit sa kaibigan ng aktor kaya naging maingay na?

“Ha! Painosente ba?” tumawang sabi sa amin.

Basta kami kung sakaling illegal drug nga ang tabletang asul na ibinigay ng aktor, e, nakaka-turn off naman dahil akala namin ay wholesome siya.

Ano kaya ang masasabi ng aktres na ka-love team ng aktor na kitang-kita rin niya ang ginagawa. Naku, ang ganda ng career nila ngayon, baka makaapekto ito, sayang naman. –Reggee Bonoan