Sir Chief at Jodi, magtatambal uli sa bagong serye

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Richard at Jodi copy

TIYAK na aware ang ABS-CBN management sa sangkaterbang requests ng fans na bigyan uli ng project sina Richard Yap at Jodie Sta. Maria.

May bagong nilulutong project para kina Richard at Jodi na nakita namin sa social media nitong Huwebes ng gabi.

Nabanggit na rin ito sa amin ng aming pinsan na nakabase sa Chicago, Illinois na die-hard fan ng Jo-Chard tandem, na kumpleto ng DVD ng Be Careful With My Heart na inuulit-ulit daw panoorin ng lola namin na naiiwang mag-isa sa bahay kapag nasa work lahat ang mga anak.

Kuwento niya, umiiyak nga raw ang lola namin nang magtapos na ang BCWMH dahil ito lang daw ang seryeng pinapanood niya religiously at talagang na-in love sa karakter ni Sir Chief.

Pero hindi kami naniwala sa pinsan namin nang banggitin niya ang balik-tambalan nina Richard at Jodi dahil wala naman talaga kaming nabalitaan. So, mas may alam pa siya, ha-ha-ha.

Ending, trulili pala na magkakabalikan sina Richard at Jodi sa isang serye.
E, paano na ang tambalang Richard at Judy Ann Santos?

A few weeks ago, nang huli naming makausap si Sir Chief sa pictorial nila ni Richard Poon para sa back-to-back concert nila sa PICC sa Agosto, hindi niya nabanggit na may project sila ni Jodi, at ang alam niya ay tuloy pa rin ‘yung sa kanila ni Juday.

Ganoon kabilis bumuo ang ABS-CBN ng project, habang naghihintay ang artista lalo’t network contract, e, kailangang bigyan ng pagkakaabalahan, tama ba, Bossing DMB?

Nang magtapos ang Be Careful with My Heart, wala nang regular show si Sir Chief, puro guesting lang at support tulad sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita katambal si Vina Morales, sa FPJ’s Ang Probinsiyano bilang kontrabidang si Philip at as guest din sa Super D ni Dominic Ochoa na ipalalabas sa Abril 18.

Pero bago naman din sumikat ang tambalang Jo-Chard, una nang nai-partner si Richard kay Ai Ai de las Alas sa Binondo Girl ni Kim Chiu at doon siya nakilala bilang Papa Chen. Nakasama rin niya si Enchong Dee sa Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito.

Hindi naman totally nawawala si Sir Chief o Papa Chen sa telebisyon, ‘yun nga lang hindi siya ang bida sa mga nabanggit na serye.

Kaya sa die hard fans nina Richard at Jodi, wait na lang ninyo ang announcement ng ABS-CBN para sa upcoming project nila. (REGGEE BONOAN)