Bela, emosyonal sa pamamaalam sa ‘Ang Probinsyano’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI nagtagumpay si Carmen (Bela Padilla) sa pagtakas mula sa mga kamay ni Tomas (Albert Martinez) kundi humantong siya sa kanyang kamatayan sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang numero unong teleserye sa bansa.

Nang malaman ang lahat ng sekreto ng pamilya ni Tomas, tinangka ni Carmen na makatakas mula sa kanyang pagkakapiit.

Ngunit agad din siyang nahuli ng ama ni Joaquin (Arjo Atayde) at walang pagngiming binaril at siniguro pang hindi siya mabubuhay.

“My character for Ang Probinsyano is originally eight weeks lang, sobrang extended na. I’m so thankful they gave me a nice exit,” sambit ni Bela na lubos na naging emosyonal sa pagkamatay ng kanyang karakter sa serye.

“Hindi pa ako nagkakaroon ng project na ganito karami ang ‘binigay na highlights sa akin, kaya thank you to everyone from Ang Probinsyano and Dreamscape,” dagdag pa niya.

Inaabangan ng mga manonood kung paano maipaghihiganti ni Cardo (Coco Martin) ang pagpaslang kay Carmen kapag nalaman niya na ang puno’t dulo nito ay si Tomas.

Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Maaari ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.