Angel at Luis, posibleng magkabalikan uli

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAGKAKABALIKAN sina Luis Manzano at Angel Locsin.

Ito ang obserbasyon ng isang taong malapit kay Luis. Naniniwala ang kausap namin na mismong si Luis ang gagawa ng unang hakbang para maisaayos ang anumang pinagkatampuhan nila.

“Mahal na Luis si Angel at palagay ko rin naman, eh, gano’n din naman si Angel kay Luis. Sooner or later, mabalitaan na lang natin na sila na ulit,” sey pa ng source na panay ang pakiusap na huwag naming babanggitin ang pangalan niya.

Kinumpirma ng source na nagkakausap na sina Luis at Angel, pero may mga bagay-bagay pa rin na kailangan nilang pag-usapan nang masinsinan para magawan ng solusyon ang naging ugat ng tampuhan nila!

Lahad pa ng kausap namin, tuwing kausap niya si Luis, kahit hindi niya itanong ay alam nilang nami-miss ng TV host/actor ang dating girlfriend.

Sobra-sobra pala ang pag-aalala ni Luis sa sakit ni Angel na umatake kamakailan lang habang nasa taping sila ng Pilpinas Got Talent.

Napag-alaman din namin na more than willing tumulong si Angel Locsin sa pangangampanya ni Sen. Ralph Recto at ni Gov. Vilma Santos na tumatakbo for congresswoman sa lone district ng Lipa City.

“Sa totoo lang, sa unang araw ng pangangampanya namin for Ate Vi sa Lipa, eh, tinatanong ng mga tao kung kailan namin makakasama si Luis at sana nga raw, banggit pa nila, eh, sabay silang dalawa ni Angel,” sey pa ng source namin.

Kung totoo ngang magkakabalikan ang dalawa, posibleng mangyari ito. (JIMI ESCALA)