Iran: 7 patay sa air ambulance crash

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

TEHRAN, Iran (AP) – Kinumpirma ng IRNA news agency ng Iran ang pagbulusok ng air ambulance helicopter sa katimugang bahagi ng Iran, na ikinasawi ng pitong pasahero nito.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, sakay sa helicopter ang pasyenteng may malalang kondisyon mula sa liblib na lugar patungo sa lungsod ng Shiraz nang ito ay bumulusok. Kabilang sa nasawi ang apat na medic.

Hindi pa natutukoy ang dahilan ng aksidente, ngunit isinasagawa na ang imbestigasyon.