Blizzard sa Midwest, 2 patay sa aksidente

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

CHICAGO (Reuters) – Ang blizzard na humampas sa Colorado at nagpasara sa Denver airport ay nakaapekto sa buong U.S. Midwest nitong Huwebes, nagresulta sa dalawang pagkamatay sa mga aksidente sa daan dahil sa pagbagsak ng umaabot sa 12 inches ng snow sa Wisconsin, sinabi ng mga opisyal.

Isang babae at ang kanyang 15-anyos na kapatid na babae ang namatay nang tumawid ang kanilang van sa madulas na highway sa lungsod ng Hartford dakong 11:10 a.m. local time at bumangga sa isang paparating na semi-truck, sinabi ng Washington County Sheriff’s Office. Hindi nasaktan ang driver ng truck driver na nakilalang isang 61-anyos na taga- Ontario, Canada.