Coco at Anne, pagtatambalin sa pelikula   

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Coco copy copy

MUKHANG tama ang sinulat namin kamakailan na nagkaroon na ng ideya ang Star Cinema na pagsamahin sa pelikula sina Coco Martin at Anne Curtis dahil sa positibong feedback ng viewers at advertisers sa pagtatambal nila pansamantala sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

In passing, nabanggit sa amin ng kakilala namin sa ABS-CBN na may nilulutong pelikula para kina Coco at Anne.

Sa unang plano, maikli lang ang appearance ni Anne sa Ang Probinsyano, pero dahil marami ang nagandahan na mga manonood at nagustuhan ang chemistry nila on screen ay hinabaan daw ito.

Na-miss siguro nang husto si Anne na magteleserye kasi ang huli niya ay Dyesebel pa noong 2014 at sa It’s Showtime lang siya napapanood kaya nabibitin ang viewers.

Bakit nga ba hindi na binibigyan ng sariling teleserye si Anne, kaya naman pala niyang mag-taping kahit na may daily show siya?

Going back to Ang Probinsyano, nagulo ang mundo nina Bela Padilla bilang si Carmen at Maja Salvador as Glen sa pagpasok ni Trina dahil naagaw nito ang atensiyon ni Cardo na posibleng magkagustuhan sila.

Hmmm, hindi kaya gawin nang regular si Anne sa Ang Probinsyano, Bossing DMB?

(Paano naman ang guesting din ni Julia Montes, wala na lang? —DMB) (REGGEE BONOAN)