Mock polls sa Kalibo, nagkaaberya

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

KALIBO, Aklan – Nagkaaberya ang pagsisimula ng mock election sa Kalibo, Aklan, kahapon ng umaga.

Ayon kay Atty. Rommel Benliro, ng Commission on Elections (Comelec)-Kalibo, nagkaproblema sa pagsasalang ng reserbang vote and counting machine (VCM) sa voting precinct, dahil sa mababang power voltage, na nagresulta sa pag-fluctuate ng VCM, bukod pa sa mahina ang Internet connection.

Dapat ay 7:00 ng umaga nagsimula ang pagboto, pero 8:35 ng umaga na ito nasimulan. (Jun N. Aguirre)