Grade 4 pupil, ni-rape ng bading

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TARLAC CITY – Isang baklang beautician ang nasa likod ngayon ng malamig na rehas matapos niyang umanong halayin ang isang lalaking Grade 4 pupil sa Barangay Sta Cruz sa Tarlac City.

Ang suspek ay kinilala lamang sa pangalang Rolly, 21, ng Sitio Tanedo, Bgy. Aguso, Tarlac City.

Ayon kay SPO2 Hilda Duran, nangyari ang insidente dakong 9:00 ng gabi nitong Biyernes.

Hinihintay ng bata ang kanyang tiyuhin na bumibili ng alak sa tindahan nang lapitan siya ng suspek at nakiusap na samahan siya sa Riverside sa Bgy. Sta. Cruz, Tarlac City.

Nabatid na sapilitang in-oral sex ng suspek ang bata, bago ito hinalay sa puwit, na ikinatulala ng biktima.

Agad namang nakapagsumbong ang bata sa kanyang tiyuhin hanggang naaresto ng mga miyembro ng Bantay Bayan ang suspek sa Bgy. Sta. Cruz, Tarlac City.

Isinasailalim ngayon sa medical examination ang bata, na dumadanas ng matinding trauma sa insidente.
(LEANDRO ALBOROTE)