80-anyos, pinatay sa taga ng kapatid

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

NARVACAN, Ilocos Sur – Patay ang isang magsasaka matapos siyang pagtatagain at mapatay ng nakababata niyang kapatid sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa Barangay Camarao sa Narvacan.

Ayon sa pulisya, agad na nasawi si Restituto De Peralta, 80, matapos siyang pagtatagain sa mukha at ulo ng 70-anyos niyang kapatid na si Alfredo De Peralta, kapwa residente ng Bgy. Camarao, Narvacan.

Kusa namang sumuko sa pulisya si Alfredo matapos niyang mapatay ang sariling kapatid dahil lang sa pagtatalo sa kanilang mga alagang kambing. (Freddie G. Lazaro)