4-anyos, patay sa sunog sa Batangas

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

STO. TOMAS, Batangas – Walang buhay at tupok na nang matagpuan sa ilalim ng kama ang isang apat na taong gulang na lalaki, matapos masunog ang kanilang bahay sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ng kanyang ama ang biktimang si Symone Manzanal.

Ayon sa report ng grupo ni PO1 Emiliano Carandang, dakong 12:31 ng tanghali noong Biyernes nang masunog ang ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Manzanal sa Barangay San Roque.

Umabot ng halos kalahating oras bago naapula ang apoy.

Nakaligtas ang ama ng bata na si Jose Manzanal mula sa insidente, at natukoy sa inisyal na imbestigasyon na short circuit sa kuryente ang pinagmulan ng apoy. (Lyka Manalo)