Miss na miss si misis, nagbigti

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

GERONA, Tarlac – Dahil sa labis na pangungulila sa asawang nakahiwalay niya, ipinasya ng isang 44-anyos na mister na magbigti sa Barangay Rizal, Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Christian Rirao ang nagpatiwakal na si Confucius Cuaresma Reyes, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na mula nang umalis sa kanilang bahay at magtungo sa Bicol ang misis ni Reyes ay inalipin na ang huli ng matinding kalungkutan.

Patuloy pang sinisiyasat ng pulisya ang insidente. (Leandro Alborote)