Magsasaka, tinodas

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SANTA IGNACIA, Tarlac – Hindi akalain ng isang magsasaka na ang masayang pakikipag-inuman niya sa tatlong kapwa magsasaka ay hahantong sa kanyang kamatayan.

Sa ulat ni PO3 Jerico Cervantes, hinayaan munang makauwi si Rogie Gacusan, 30, may asawa, sa Barangay Pilpila, Santa Ignacia, bago siya tatlong beses na binaril sa katawan ng hindi nakilalang armado.

Nauna rito, nakipag-inuman muna ang biktima kina Tony Bautista, 59; at Willie Claudio, kapwa magsasaka, at sa kanilang pag-uwi ay nakarinig si Claudio ng tatlong putok ng baril sa hindi kalayuan.

Posibleng may malaking galit sa biktima ang suspek. (Leandro Alborote)