Kandidato, nirapido

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

STO. TOMAS, Batangas – Agad na namatay ang isang kandidato sa pagkakonsehal makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Sto. Tomas, Batangas, kahapon ng umaga.

Ayon sa report mula kay Insp. Mary Anne Torres, information officer ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), namatay si Damasino Mabilangan Jr., kabilang sa line-up ng mga konsehal ni Mayor Edna Sanchez.

Dakong 6:30 ng umaga at nagdya-jogging ang biktima sa Valle Pio Subdivision sa Barangay San Pablo nang pagbabarilin ito ng suspek na sakay sa motorsiklo.

Negosyo at pulitika ang tinitingnang motibo sa pamamaslang, ayon sa pulisya.

Ang biktima ay kapatid ni Hector Mabilangan, ang pinaslang na dating kumander ng New People’s Army (NPA).
(Lyka Manalo)