Bilanggo, nagbigti sa selda

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BANTAY, Ilocos Sur – Namatay ang isang bilanggo, na nahaharap sa patung-patong na kaso ng ilegal na droga, matapos siyang magbigti sa banyo ng provincial jail sa Barangay Taleb sa bayang ito, nitong Huwebes.

Sinabi ni Provincial Jail Warden Raymond Tabios na buhay pa si Michael Manlangit, ng Bgy. Amianance, Vigan City, nang matagpuan ng kapwa preso nito sa pagkakabigti sa banyo ng kanilang selda.

Ngunit, ayon kay Tabios, namatay si Manlangit habang ginagamot sa ospital.

Napaulat na bago pa natagpuang nakabigti si Manlangit ay kumain umano ito ng fertilizer sa loob ng selda.
(Freddie G. Lazaro)