Marian at Maine, magkasundo

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Marian at Maine copy

MASAYA at very successful ang trade launch at thanksgiving party ng GMA Network para sa kanilang advertisers sa Makati Shangri La last Wednesday evening na dinaluhan ng Kapuso artists and broadcasters. Siyempre nanguna ang top executives, sina Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Gilberto Duavit, Mr. Felipe Yalong. Hindi mo na kailangang um-attend ng event para malaman ang happenings dahil sa sagana ang posts ng mga dumalo.

First time ni Marian Rivera na mag-attend ng big party after niyang isilang si Baby Letizia, kasama ang husband na si Dingdong Dantes. Ang ganda-ganda ng Marian, parang hindi nanganak dahil sexy na ulit siya. As usual, nahirapan na naman ang security na ma-cordon sina Alden Richards at Maine Mendoza lalo pa at first time iyon ni Maine na dumalo sa party ng GMA at makita ng advertisers. 

May nag-post na para daw maiwasang pagkaguluhan, dinala muna sina Alden at Maine sa backstage. Later, pinaghiwalay na sila at nakatsikahan ni Marian si Maine sa table ng mga boss. 

Si Alden ay kasama naman ng GMA tween stars na matagal na niyang na-miss.

Cute malaman na magkasundo ang Prime Queen at Kalyeserye Queen ng GMA-7. May pictures sina Marian at si Maine na nagbubulungan at nagtatawanan, may mga nag-post na siguro raw ay binibigyan ni Marian ng tips si Maine kung paano niya aalagaan ang relasyon nila ni Alden. Baka raw nagkuwento rin si Marian tungkol kay Alden noong magkasama pa sila ni Tisoy sa drama series nilang Carmela.

First time na nakitang magkasamang dumalo ng party sina Miss World 2013 Megan Young at Mikael Daez. Sweet sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Naroon si Lovi Poe and Rocco Nacino. Magkasama sina Max Collins at Pancho Magno, Ruru Madrid at Gabbi Garcia, Mark Herras at Winwyn Marquez, Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Solo naman si Julie Ann San Jose, Jean Garcia, Janine Gutierrez, Rhian Ramos, Glaiza de Castro. Nag-host sa show sina Jerald Napoles, Boobay at Eugene Domingo.

Tiyak na may mga announcements na ginawa ng GMA tungkol sa upcoming projects ng network.

Pero ang pinakahihintay, kung ano ang project na pagsasamahan nina Dingdong at Marian at kung bibigyan na ng Siyete ng sariling show o movie sina Alden at Maine. Sa ngayon kasi, inihahanda na ang mga bagong projects ng GMA for the second quarter of 2016. (Nora Calderon)