Anne Curtis, papasok din sa ‘Ang Probinsiyano’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Anne-Curtis-1 copy copy

PAPASOK din pala si Anne Curtis sa Ang Probinsiyano at baka magsabay pa sila ni Christopher de Leon dahil anak ni Boyet ang magiging role niya. Hindi malinaw ang pagkakakuwento sa amin ng magiging role ni Anne, basta tatay niya si Boyet.

Challenging ang role ni Boyet bilang druglord at kahit hindi bida, tinanggap nito dahil ang mga ganitong klaseng role raw ang gusto niyang gawin ngayon.

Super busy si Anne dahil bukod sa Ang Probinsiyano, host din siya ng I Love OPM na airing sa February 13 at Feb. 14. Maganda ang concept nito dahil mga foreigner ang kakanta ng OPM o Original Pilipino Music.

Maglalabas din si Anne ng children’s book na sinulat niya para sa UNICEF na may pamagat na Anita, The Duckling Diva. May bago siyang post sa Instagram (tungkol sa kanyang libro).

Sabi niya: “Just discovered my love for the smell of freshly printed books. I have in my hands the ACTUAL copy of my first ever children’s book that I wrote especially for UNICEF.” (Nitz Miralles)