Jose Manalo, ipinaliwanag  ang pag-alis sa ‘Celebrity Bluff’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Eugene at Jose

Ni NORA CALDERON

SA presscon ni Eugene Domingo para sa bago niyang comedy-drama anthology na Dear Uge, first for GMA-7, umiwas siyang sagutin ang tanong kung bakit nawala na sa kanyang comedy game show na Celebrity Bluff si Jose Manalo as one of her co-hosts, for the simple reason na ang presscon ay para sa bago niyang show at hindi para sa Celebrity Bluff.

Inirespeto naman iyon ng entertainment press.

Nagkataon naman na nitong nakaraang Sabado, nakausap namin si Jose Manalo sa rehearsal ng Sunday Pinasaya (SPS), kaya siya ang tinanong namin at hindi naman siya tumangging sumagot, kung bakit siya umalis sa Celebrity Bluff .

“Nagpaalam ako sa production at hindi na ako nag-renew ng contract for a new season,” sagot ni Jose.  “Hindi ko na rin makaya na may daily show na ako, ang Eat Bulaga (EB) ‘tapos may Sunday show pa ako, ito ngang Sunday Pinasaya, then magti-taping pa ng CB. Buong linggo akong napapanood sa TV at kapag Saturday, dalawa, sa EB at sa CB nga, nakakapagod din naman. Hindi rin naman naiiwasan na may mga offers pa ng raket na hindi ko rin matanggihan.”

Biniro namin si Jose kung present siya sa Sunday Pinasaya sa Valentine’s Day, February 14.

“Oo naman, naroon ako, kaibigan ko si Uge na magpu-promote ng kanyang Dear Uge dahil after ng SPS, kasunod na namin ang Dear Uge simula sa Valentine’s Day.”

So there.