Pahinante patay, 15 sugatan sa karambola

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

NASUGBU, Batangas – Patay ang isang pahinante ng truck habang 15 katao ang nasugatan, kabilang ang driver nito, makaraang sumalpok ang sasakyan sa isang pampasaherong jeep at sa isang bus sa Nasugbu, Batangas, kahapon ng umaga.

Bagamat wala pang pagkakakilanlan, kinumpirma ng Batangas Police Provincial Office na namatay sa aksidente ang pahinante habang hindi agad na na-rescue ang driver na si Emmanuel Siscon dahil sa pagkakaipit sa loob ng sasakyan.

Ayon sa inisyal na report ng pulisya, binabagtas ng trailer truck (NUZ-325) ang kalsadang sakop ng Barangay Kaylaway nang sumalpok ito sa jeep na minamaneho ni Benjamin Cruzada.

Bumangga din umano ang truck sa San Agustin Bus (TYR-891), na minamaneho ni Clodualdo Sintos. (Lyka Manalo)