Magsasaka, pinatay sa saksak

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

PURA, Tarlac – Dalawang malalalim na saksak sa dibdib ang ikinamatay ng isang magsasaka na natagpuang walang buhay sa bukirin sa Sitio Baldo, Barangay Estipona, Pura, Tarlac, at pinaniniwalaang may malaking galit sa biktima ang hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon kay SPO2 Jerrymia Soley, ang biktima ay si Orlando Amianit, 44, binata, ng nasabing barangay.

Nauna rito, nagtungo sa bukid si Willy Estabillo, 35, para paandarin ang kanyang water pump nang mapansin niya ang bangkay ni Amianit.

Hinala ng pulisya, maaaring may kaugnayan sa lupa o personal na bagay ang pagpaslang sa biktima. (Leandro Alborote)