3 sa Basag Kotse, arestado

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

LUCENA CITY, Quezon – Tiklo ang tatlo sa pitong miyembro ng kilabot na Basag Kotse gang, na itinuturong responsable sa serye ng pagnanakaw sa mga parking lot ng iba’t ibang negosyo, ang naaresto ng pulisya sa Barangay Dupay, iniulat kahapon ni Lucena City Police chief, Supt. Joel de Mesa

Kinilala ang isa sa mga nasakote na si Reign Zari R. Viyar, alyas Boting, residente ng nasabing lugar.

Sinabi ni De Mesa na dinakip si Viyar sa isang buy-bust operation dahil kasama ang pangalan nito sa listahan ng mga drug personality sa siyudad.

Nabawi sa suspek ang dalawang baril, isang laptop computer, isang tablet computer, mga cell phone, at isang videoke player, at itinuro ang iba pa niyang kasamahan sa grupo. (Danny J. Estacio)