2 rapist ng menor, tiklo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Inaresto ng awtoridad sa Isabela at Quirino ang dalawang suspek sa panghahalay sa parehong menor de edad na biktima sa nabanggit na mga lalawigan.

Sa Ilagan City, Isabela, kinumpirma ni Supt. Manuel Bringas ang pagkakadakip kahapon ng umaga kay Jayson Baldos, 19 anyos, binata, walang trabaho, ng Barangay San Andres, City of Ilagan.

Ayon sa pulisya, dalagitang katrabaho ni Baldos ang ginawa nitong nobya at hinalay noong Hulyo 10, 2014 sa siyudad.

Samantala, inaresto naman ng Maddela Police sa Quirino si Joseph Dorico, 28, obrero, ng Bgy. Dumabato Sur, Maddela, nitong Martes ng gabi, dahil sa panggagahasa sa isang dalagita. (Liezle Basa Inigo)