Mag-syota, huli sa baril

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ALAMINOS CITY, Pangasinan – Isang magkasintahan ang inaresto ng pulisya sa panunutok ng baril at paglabag sa election gun ban.

Ayon sa report ng Alaminos City Police, pasado 3:00 ng umaga nitong Enero 31 nang may makainitan si Leon de Leon, 27, empleyado ng Alaminos City Water District at taga-Barangay Pogo, sa loob ng Hang-Out Resto Bar sa Montemayor Street, Bgy. Poblacion, Alaminos City.

Tinutukan umano ng baril ni De Leon si Daniel de Vera, 22, na nagtatakbo sa takot, samantalang sa nobya ni De Leon na si Rhaziel May Hughes, 26, ng Bgy. Lucap, Alaminos, nakuha ang .9mm caliber pistol na may bala.
(Liezle Basa Iñigo)