Drug pusher, nakorner

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

SANTA IGNACIA, Tarlac – Isang hinihinalang drug pusher sa bayang ito ang nalambat ng mga pulis makaraang salakayin ang bahay nito sa Barangay Poblacion East, Santa Ignacia, Tarlac.

Inaresto si Israel Valdez, nasa hustong gulang, mekaniko, sa bisa ng search warrant, at nakuha mula sa kanya ang dalawang transparent plastic sachet na may mahigit .05 gramo ng hinihinalang dried marijuana leaves na nakalagay sa kaha ng sigarilyo.

Bukod dito, nasamsam din ng awtoridad mula sa kanya ang isa pang transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, bala ng .45 caliber pistol, at iba pang drug paraphernalia. (Leandro Alborote)