3 magkakapatid na bata, nalitson sa sunog

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMILING, Tarlac – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng tatlong magkakapatid na bata matapos silang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Paterno Street, Barangay Poblacion F. Sa Camiling, Tarlac.

Kinilala ng awtoridad ang mga nasawi na sina Carl Vincent Esfurtuno, 9, Grade 3 pupil; Prince Lord, 4; at Cherry Lyn Princess Esfurtuno, 3, na halos maabo ang mga labi.

Dakong 10:00 ng gabi nitong Lunes at iniwan ng mga magulang na natutulog sa bahay ang tatlong bata upang ipasada ang kanilang tricycle, ngunit nakalimutan ng mag-asawa na patayin ang nakasinding kandila.

Ayon sa report, pinaniniwalaang natumba ang kandila sa pagkakatirik nito at mabilis na kumalat ang apoy sa bahay, kaya hindi na nagawang makalabas ng magkakapatid sa kuwarto ng bahay.

Inabot ng mahigit isang oras ang sunog bago ito tuluyang naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Camiling. (Leandro Alborote)