17-anyos, hinalay ng text mate

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

DIFFUN, Quirino – Naaresto ng pulisya ang isang lalaki na inireklamo ng panggagahasa sa kanyang 17-anyos na text mate sa Dumanisi, Diffun.

Ayon kay Chief Insp. Extor Serrano, hepe ng Diffun Police, tatlong bilang ng rape na may kaugnayan sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) ang isinampa nitong Lunes sa Prosecutors’ Office laban kay Raynier Romero, 29, may asawa, ng Barangay Dumanisi, Diffun.

“Tatlong ulit na pinagsamantalahan ang minor nitong madaling araw ng Pebrero 1, matapos na imbitahin ng suspect sa kanilang lugar,” ani Serrano.

Napaulat na text mates ang dalawa bago nagkaroon ng relasyon at nagkita. (Liezle Basa Iñigo)