Binatilyong nakaaway ang ina, nagbigti

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Likas sa kabataan ang nagrerebelde sa mga magulang, at kapag hindi nasusunod ang hinihinging pabor o nakagalitan kaya ay madalas na nakakaisip ng hindi kanais-nais na hakbang.

Ito ang nangyari kay Reynaldson Mindac, 17, na nagbigti sa kanilang bahay sa Barangay Maamot, San Jose, Tarlac.

Ayon sa report, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang kanyang ina tungkol sa isang personal na bagay at labis itong dinamdam ng binatilyo. (Leandro Alborote)