Baby Tamaraws nananatiling walang talo

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Ginapi ng reigning titleholder Far Eastern University-Diliman ang De La Salle-Zobel, 3-0, upang manatiling may malinis na kartada sa penultimate day ng UAAP Season 78 juniors football eliminations sa Moro Lorenzo Football Field.

Umiskor si Vincent Albert Parpan sa sa loob ng 42 minuto na sinundan ng league leading goalscorer na si Chester Gio Pabualan, apat na minute matapos ang restart.

Ganap na sinelyuhan ni John Villaseñor ang panalo ng FEU sa kanyang goal sa 87th minuto.

Sa isa pang laro, nanatili namang nasa ikalawang puwesto, kasunod ng FEU ang Ateneo, matapos ang naitalang 1-0 panalo kontra University of Santo Tomas sa pamamagitan ng 8th minute strike ni Alain Tanchuan.

Dahil sa panalo, mayroon na ngayong natitipong 15 puntos ang Baby Tamaraws habang may 9 na puntos naman ang Blue Eaglets.

Nanatili namang nasa ikatlong puwesto ang La Salle-Zobel na mayroong 4 na puntos habang nahuhuli pa rin ang Tiger Cubs na mayroong 1 puntos.