Vic Sotto, malapit na ‘uling’ magpaalam sa pagkabinata

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PAGKATAPOS ng bridal shower para kay Pauleen Luna na bigay ni Sherilyn Reyes, sumunod naman ang bachelor’s party ni Vic Sotto. Hindi lang sinabi kung sino ang nagbigay ng bachelor’s party ni Vic.

Dumalo sa bridal shower ni Pauleen ang mga kaibigan niyang sina Ruby Rodriguez, Yayo Aguila, Camille Prats at ibang non-showbiz friends ng ikakasal. Ang hashtag na ginagamit ni Pauleen ngayon at hanggang sa araw ng kanyang kasal ay #AlmostMrsSotto.

Present naman sa bachelor’s party ni Vic ang mga kapatid na sina Val, Maru at Sen. Tito Sotto, mga anak na sina Oyo Sotto at Vico Sotto, mga kaibigang sina Jimmy Santos, Bert de Leon, Tony Reyes, Anjo Yllana, Jose Manalo, Wally Bayola, APT Entertainment head Tony Tuviera at iba pa.

Nakasulat sa t-shirt ng mga dumalo sa bachelor’s party ni Vic ang “BOSSING 1-30-16” o January 30, 2016 na araw ng kasal nina Vic at Pauleen. Ipinaalam na nina Vic at Pauleen ang petsa ng kanilang kasal pagkatapos i-report ng TV Patrol. Ang hinihintay na lang i-announce ay ang venue ng kasal.

Samantala, marami ang nag-agree sa ipinost na quotation ni Pauleen sa Instagram (IG) na, “Marry someone who makes you fall in love with God every single day.” (Nitz Miralles)