Pixie haircut ni Angelica, kumpirmasyong nag-break na nga sila ni John Lloyd?

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANGELICA AT JENNIFER LAWRENCE copy

DAHIL sa bagong pixie haircut ni Angelica Panganiban, lalong tumindi ang tsikang break na sila ni John Lloyd Cruz.
Naging kasabihan na nga kasi na kapag nagpagupit ang isang babae, either may problema sa pag-ibig o break na ito sa boyfriend.

Matagal nang nababalitang break na sina Angelica at John Lloyd at ang pagpapagupit ng aktres, para sa ibang tao, ay kumpirmasyon na hiwalay na nga sila ni John Lloyd.

Pero hindi ba puwedeng career move o para lang sa karakter niya sa Pangako Sa ‘Yo ang pagpapagupit ni Angelica? In fairness, bagay sa kanya ang short hair at kung pagbabasehan ang pinagtabi nilang picture ni Jennifer Lawrence, parang ang Hollywood actress ang peg ni Angelica sa kanyang short hair.

Ang caption ni Angelica sa picture nila ni Jennifer na kanyang pinagtabi ay, “Sa eye color at language lang tayo nagkaiba, bestie.” (NITZ MIRALLES)