Nadine at James, bagong Vilma at Boyet

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

jadine copy copy

ANG lakas talaga ng appeal ni James Reid. Mantaking naghihiyawan ang mga nanonood ng On The Wings of Love sa eksenang sinasayawan niya si Nadine Lustre sa kunwari’y bridal shower nito as Leah.

Ang guwapu-guwapo naman kasi ni Clark habang naka-shades at naka-policeman uniform at gumigiling-giling kay Leah, kaya kitang-kitang kilig na kilig din ang wifey niya.

In fairness, ha, nadadala talaga ang viewers sa pagganap nila at napapaniwala nila na may relasyon sila. Para silang sina Vilma Santos at Christopher de Leon noong kabataan ng mga ito na relate na relate ang mga manonood sa bawat roles na ginagampanan nila.

Anyway, bilang honeymoon ay muling nagtungo sina James at Nadine sa San Francisco, California. Doon kasi nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Muling nilang pinuntahan ang Palace of Fine Arts na isang espesyal na lugar sa kanilang love story dahil doon inalok ni Leah si Clark na pakasalan siya para makakuha ng green card. Mas pinag-uusapan ngayon ang kahihinatnan ng pag-iibigang Clark at Leah dahil sa muling pagbalik nila sa San Francisco.

Hindi rin dapat bumitiw ang avid viewers ng On the Wings of Love sa inaabangang malaking rebelasyon ni Leah na buhay pa ang kanilang Nanang (Isay Alvarez-Seña).

Aaminin nina Leah at Tiffany (Bianca Manalo) kay Tatang Sol (Joel Torre) ang katotohanan sa ina na inakala nilang patay na, at tiyak na susulak ang sobrang galit ni Tatang. Magiging sanhi rin ang rebelasyon sa muling pagkikita ng mga magulang nina Leah at Tiffany pagkaraan ng mahabang panahon.

Kaabang-abang ang pagkikita nina Tatang at Nanang sa kasalang Clark at Leah.

Samantala, nagpakilig din sina James at Nadine sa libu-libong fans sa Sacramento Memorial Auditorium sa ginanap na “On the Wings of Love Certified Fans Day.” Malalakas ang hiyawan ng fans nang mapanood ang paboritong love team na sumasayaw at kumakanta.

Lilipad din sina James at Nadine sa Qatar at Dubai sa Marso para sa “JaDine in Love: The World Tour” ng TFC.
(Reggee Bonoan)