Gabby, masayahin kaya mabagal ang pagtanda

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NO wonder na mas mukhang bata si Gabby Concepcion kumpara sa mga kasabayan niya noon, dahil hanggang ngayon ay very jolly o mabiro siyang kausap, laging nakangiti. Kaya naman binigyan siya ni Direk Mark Reyes ng ibang name sa kanilang primetime series na Because of You, ‘Boss Yummy’ kung tawagin siya ni Carla Abellana dahil yummy nga ang tingin niya sa kanyang boss.

Pabirong tanong kay Gabby ng entertainment press, kung wala ba siyang asawa at anak ngayon, posible ba siyang ma-in love kay Carla?

“Bakit naman hindi? Pero may boyfriend na rin siya,” natawang sagot si Gabby. “Siguro nga kung kami, ang gaganda ng magiging anak namin. Pero hindi na nga p’wede, ha-ha-ha!”

Sa tumatakbong istorya ng Because of You ngayon, girlfriend na niya si Carla as Andrea at hindi malayong magkaroon sila ng kissing scene, ready na ba siya?

“Bakit naman hindi? Nagpaalam na nga ako sa tatay niya, barkada kasi kami ni Rey Abellana at payag daw naman siya dahil trabaho lamang iyon. Yes, work lang naman iyon, kasi ako may pagka-conservative din, ayaw kong nakikita ako ng mga kids ko na nakikipag-kissing scene. Pero very light lang naman ang story nitong Because of You kaya very light din siguro ang kissing scene, wala pa namang sinasabi sa amin si Direk Mark.”

Kababalik lang ni Gabby galing sa bakasyon sa San Francisco at balik-trabaho siya agad, at kinabukasan naman ay nabalita na ang pagyao ni German Moreno (na ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong umaga).

Ano ang hindi niya malilimutan kay Kuya Germs?

“Marami, pero ang hindi ko malilimutan iyong pumayag akong mag-attend ng Walk of Fame noong December 1, 2015. 

Matagal na niya akong nabigyan ng star sa Walk of Fame pero wala ako noon kaya hindi ko natanggap. Kaya inimbita niya ako na kung p’wedeng tanggapin ko ang star ko noong December 1. Magsisisi siguro ako kung hindi ako pumayag na dumalo noon sa Eastwood Mall. Hindi ko na tiningnan kung saan nakalagay ang star ko, pero tinanggap ko iyong replica nito kaya may souvenir na rin ako. Salamat Kuya Germs, sa lahat ng mga itinulong mo sa aming mga naghangad na maging artista.” (NORA CALDERON)