Playboy Mansion, ibinibenta sa halagang $200 million

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Playboy Mansion copy

MAAARI nang manirahan sa Playboy Mansion sa halagang $200 million, ngunit may kondisyon. Ang iconic Holmby Hills home ay may ibinigay na kondisyon sa mga nais bumili nito: ang Playboy founder na si Hugh Hefner ay patuloy na maninirahan sa property.

Ang 22,000-square-foot home na matatagpuan sa Los Angeles ay may home theater, library, at game room, prohibition era wine cellar, tennis court, gym, at grotto swimming pool, kung matapang kang lumusong sa malalim na tubig.

Binili ng 89 na taong gulang na media mogul ang nasabing bahay noong 1971 sa halagang $1 million at simula noon ay nagkaroon ng wild parties at naging backdrop din sa hit reality series na The Girls Next Door. (The Insider)