Nick Cannon, hindi sigurado kung mag-aasawang muli

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Nick copy

BACHELOR for life? Naging bukas si Nick Cannon sa pagsasalita tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa na si Mariah Carey at kung muli pa siyang magpapakasal, sa kanyang panayam sa DuJour magazine.

Naghiwalay ang actor-comedian, 35, at si Carey noong Agosto 2014 pagkaraan ng anim na taong pagsasama bilang mag-asawa, nag-file si Cannon ng divorce noong Disyembre 2015. Nagkaanak sila ng kambal, at ito ay sina Moroccan at Monroe, 4.

“I feel like marriage isn’t for everyone,” sabi ni Cannon sa DuJour. “A friend of mine put it the funniest way. He said, ‘If you heard that there was a 50/50 chance of living or dying when you jump out of a plane, you probably wouldn’t go skydiving.’ There’s like a 50/50 chance of a marriage working. If it didn’t work out for you the first time, and you still survived it, you probably shouldn’t do it again.”

Nang tanungin kung muli ba siyang magpapakasal, ang sagot ni Cannon, “I highly doubt it.”

Ipinaliwanag niya kung paano niya pinahahalagahan ang kanyang kalayaan bilang single. “How do I say this the right way… Not to say that I was bogged down [in my marriage], because I wasn’t by any means, but I like being able to make my own decisions and come and go as I please,” aniya.

Si Cannon at ang I’ll Be There singer ay nanatiling magkaibigan simula nang maghiwalay. Magkasama nilang ipinagdiwang ang holiday, at wala namang nakikitang problema sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

“I don’t see a problem with them being different and having an eccentric upbringing. It’s fascinating and fantastic.

But it’s about [teaching them] humility more than anything. Teaching them to be respectful — to make eye contact and say ‘Yes, ma’am and ‘Yes, sir,’”sinabi niya sa magazine. “You can still be a diva and be humble. Mariah is a perfect example of that.” (US Weekly)