Demi Lovato at Wilmer Valderrama, nagdiwang ng ikaanim na anibersaryo

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Demi at Wilmer copy

#BaeGoals! Ipinagdiwang nina Demi Lovato at Wilmer Valderrama ang isa sa pinakamahalaga nilang okasyon bilang magkasintahan nitong Linggo: ang kanilang ikaanim na anibersaryo.

Ibinahagi ng Confident singer, 23, sa Instagram ang isang sweet snapshot kasama ang That ‘70s Show alum, 35, bilang paggunita sa nasabing okasyon. Magkasama sila sa kama. Simple ang inilagay na caption ni Demi sa nasabing litrato, “6” na may kalakip na hugis-puso.

Ang ikalawang post ay ang isang cute na collage ng kanilang mga litrato na kuha sa magkakaibang taon, mula nang magkakilala sila sa Voto Latino event noong 2010, hanggang sa ski trip nila nitong nakaraang linggo.

Ang pinakapaboritong litrato sa collage ay kinunan noong 2013, na makikitang pareho silang nakasuot ng penguin pajamas.

Sa ski trip nitong nakaraang linggo, inilarawan ito ni Demi na, “When to try to kiss bae but it’s too f–king cold to take your s–t off. #snowcute.” (Photo: Instagram)

Naging matibay ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan dahil sa mga pagsubok — at hindi tinutukoy rito ang malaking agwat ng kanilang edad. Nang sila ay magkakilala, nahaharap sa drug addiction at maging sa emotional issues si Demi.

Ngayong taon na nga kaya magdedesisyon sina Demi at Wilmer na lumagay sa tahimik? Noong Hulyo, sinabi ni Demi na, “If he asked tomorrow, I would say yes.“ Gayunman, idinagdag niya na sila ay “probably wait a little bit longer.”

Wala namang problema roon! Tila masaya sila sa anumang kasalukuyang relasyon nila. (Yahoo News/Celebrity)