‘El Chapo’, balik-kulungan na

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

MEXICO CITY (AP) — Kinumpirma ni Mexican Attorney General Ariely Gomez ang muling pagkakadakip sa drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman at nakapiit na muli ito sa Antiplano—ang kulungang tinakasan nito noong Hulyo 11, sa pamamagitan ng tunnel na hinukay sa kanyang shower stall.

Si Guzman ay nadakip ng Mexican Marines noong Biyernes sa isang coastal city at isinakay sa isang Navy helicopter upang dalhin sa kanyang kulungan.