Dummy missile, naipadala sa Cuba

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

WASHINGTON (AP) — Isang dummy ng U.S. Hellfire missile ang nagkamaling maipadala sa Cuba mula Europe noong 2014, iniulat ng Wall Street Journal noong Huwebes.

Walang laman na anumang pampasabog ang inert missile, ulat ng Journal, ngunit mayroong pangamba na maaaring ibahagi ng Cuba ang teknolohiya sa mga posibleng kalaban ng U.S. gaya ng North Korea o Russia.