2 bomba sa Libya, 56 patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

ZLITEN, Libya (AFP) — Umaake ang mga suicide bomber sa isang police training school at checkpoint sa Libya noong Huwebes na ikinamatay ng 56 katao.

Naganap ang pinakamadugong insidente sa coastal city ng Zliten, kung saan sumabog ang isang truck bomb sa labas ng eskuwelahan na ikinamatay ng 50 katao.

Makalipas ang ilang oras, isang bomber ang nagmaneho ng kotse patungo sa isang checkpoint sa bayan ng Ras Lanouf at pinasabog ito sa ngalan ng grupong Islamic State (IS), na ikinamatay ng anim katao, kabilang na ang isang sanggol.