11 patay sa gumuhong minahan

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

BEIJING (AP) — Sinabi ng mga awtoridad sa central China na namatay ang 11 manggagawa na naipit sa ilalim ng lupa sa gumuhong coal mine.

Ayon sa Yulin city propaganda department, natagpuan ang mga minero noong Huwebes ng hapon, isang araw matapos gumuho ang minahan sa Shaanxi province sa hindi pa batid na dahilan.

Kabuuang 49 na minero ang nagtatrabaho sa pribadong minahan at nakaligtas ang ilan.