UAAP Season 78 juniors baseball hahataw na rin sa Sabado

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Nakatakda ring simulan ngayong Sabado ang UAAP season 78 juniors baseball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Agad na sisimulan ng reigning back-to-back titlist La Salle Zobel ang kanilang 3-peat campaign sa pamamagitan ng pagsabak kontra Univeristy of Santo Tomas sa nag-iisang laro sa opening day ganap na 9:00 ng umaga.

Ang susunod na laro naman ay magaganap sa Miyerkules, Enero13, kung saan maghaharap ang Ateneo de Manila at ang UST Tigers Cubs.

Para sa unang round ng torneo, maghaharap naman ang La Salle Zobel at ang Ateneo para sa ikatlong laro na gaganapin sa susunod ng Sabado, Enero 16.

Dahil tatatlong koponan ang kalahok, maglalaban sila sa double round kung saan ang koponang may pinakamataas na record ang siyang tatanghaling kampeon ng season.