Judges sa ‘Pilipinas Got Talent,’ palaisipan kung sinu-sino na

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

AI AI, KRIS AT FREDDIE GARCIA copy

PAHULAAN kung sinu-sino na ang magiging judges sa pagbabalik ng Pilipinas Got Talent na as of this writing ay scheduled na sa Enero 23 ang airing.

Kumpirmadong wala na si Ai Ai de las Alas dahil nasa GMA-7 na ito at hindi na rin daw ka-join si Kris Aquino na kasalukuyan pang nagbababakasyon sa Hawaii.

Gusto sana naming i-text si Kris para tanungin kung hindi na siya tatanggap ng ibang TV project — at KrisTV na lang ang imi-maintain niya — pero baka ayaw niyang magpaistorbo kasi nga gusto muna niyang magpakananay kina Josh at Bimby.

Hindi naman sinagot ang tanong namin ng taga-ABS-CBN kung kasama pa si Mr. Freddie Garcia, pero sure na sina Luis Manzano at Billy Crawford pa rin ang hosts.

Tinext namin si Luis para hingan ng detalye sa pagbabalik ng sikat na Pilipinas Got Talent pero hindi kami sinagot.
(REGGEE BONOAN)