Luis, mahusay makibagay sa fans at netizens

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Ni JIMI ESCALA

PURING-PURI ng Vilmanians at ng Luisters si Luis Manzano. Masipag kasing sumagot si Luis sa text messages nila. Hindi rin nakalimot si Luis na batiin sila through text nitong nagdaang Pasko. May pramis si Luis na magpaplano siya ng get-together para sa loyal fans niya kasama na rin ang loyal Vilmanians na nakasubaybay rin sa career niya.

Kapansin-pansin na hindi lang naman din sa text messages masipag sumagot si Luis kundi pati na rin sa mga tanong sa kanya ng netizens. Halos isa-isa silang sinasagot ng magaling na TV host. Marahil ay nasa mood si Luis nitong nakaraang New Year at ng sumunod na araw dahil halos dumoble pa ang dagsa ng mga tanong sa hashtag niyang #AskLuis mula sa simpleng tanong hanggang sa mga kalokohan, huh!

Sanay makihalubilo sa iba’t ibang uri ng tao si Luis, kayang-kaya niyang sumagot ng seryoso o kaya naman ay may halong medyo kaberdehan at may pagkakataon din na medyo nasusopla niya ang iba.

“Naku, talagang pansinin n’yo talagang pumapatol si Luis sa mga bashers at haters niya lalung-lalo na kung idadamay ng mga ito ang mga mahal niya sa buhay. But still, kahit madali rin naman siyang makakaalis sa mga bashers niya,” sey ni Mr. Jojo Lim, ang over-all president ng Vilma Santos Solid International, Inc.

May ilang nagpapadala ng kabastusang mensahe kay Luis na agad niyang sinosopla.

Samantala, kahit anong pangungulit ayaw kaming sagutin ni Luis kung kailan ang sinasabing pagpapakasal nila ni Angel Locsin. Darating daw iyon at tiyak naman daw na ibabalita niya iyon sa lahat.