Bagyo, buhawi: 43 patay sa U.S.

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

DALLAS (Reuters) — Sinalanta ng mga bagyo ang South, Southwest at Midwest ng United States nitong Christmas holiday weekend, nagpakawala ng mga baha at buhawi na pumatay ng 43 katao, pumatag sa mga gusali at pumaralisa sa transportasyon para sa milyun-milyon sa panahong abala ang mga biyahe.

Ang masamang panahon o ang banta nito ay nagtulak sa mga governor ng Missouri at New Mexico na magdeklara ng state of emergency.

Nakansela ang halos 1,500 flight sa bansa noong Linggo, ayon sa tracking service na FlightAware.com. Halos kalahati ay nasa Dallas, isang malaking flight hub ng U.S.