2 bangkay, natagpuan sa Taguig

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Taguig City kamakalawa.

Kinilala ni Taguig City Police Chief, Senior Supt. Arthur Felix Asis ang mga biktima na sina Hendrik Bibal Bonustro, 15, ng Purok 5; at Ronald Navarro, 20, ng Malugay St., Parañaque City.

Sinisiyasat ng mga awtoridad ang mga sugat sa katawan ng dalawang biktima kung tama ng bala ng baril o saksak na posibleng sanhi ng kanilang pagkamatay at kung sino ang responsable sa krimen.

Sa ulat dakong 5:00 ng umaga nitong Huwebes, unang natagpuan ng mga residente ang bangkay ni Bonustro sa 50 MLQ Avenue, Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Bandang 9:00 ng gabi naman nang makita ang bangkay ni Navarro sa Sampaloc St., malapit sa TUP Compound, Barangay Western Bicutan. (Bella Gamotea)