1 S 1:20-22, 24-28 ● Slm 84 ●1 Jn 3:1-2, 21-24 [o Sir 3:2-6, 12-14 ● Slm 128 ● Col 3:12-21 (o 3:12-17)] ●Lc 2:41-52

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Jesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Jesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang.

Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila.

‘Sa Pamilya Nakasalalay ang Kinabukasan ng Sangkatauhan’

Mukhang tumutugma ang tema ng mga teleserye ngayon at ang saloobin ng Diyos: ang kahalagahan ng pamilya. Ito rin ang nasa likod ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Mag-Anak; ito rin ang natatagong layunin ng paglikha ng Diyos sa tao. Madalas sa pamilya inilalapat ang kasabihang “kung ano ang puno, siya ang bunga.” Akmang-akma sa katauhan ni Jesus! Sa loob ng pamilya unang nabuo ang kanyang pagkatao.