‘All of My Life,’ mapapanood early next year

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY natitira pang anim na shooting days ang pelikulang All of My Life na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Angel Locsin kasama si Xian Lim. Ito ang binanggit ni Ate Vi sa mensahe niya via phone patch para sa Vilmanians na nagkaroon ng Christmas party sa Jade Valley

Bukod sa nasa bakasyon pa si Angel Locsin with Luis Manzano, halos araw-araw ay may imbitasyon at dinadaluhang mga pagtitipon sa Batangas si Gov. Vi.

“Sunud-sunod ang mga meetings ko, at halos araw araw, eh, may nagbibigay sa akin ng tribute. Alam n’yo naman na last term ko na ngayon bilang gobernador ng probinsiya ng Batangas. Kahapon lang, eh, mga samahan ng mga public teachers ang nagbigay sa akin ng tribute,” sey ni Gov. Vi.

Bukod sa mga parangal sa kanya ng constituents niya, may mga tinututukan na ring uumpisahang projects ang gobernadora na gusto niyang matapos lahat bago magtapos ang kanyang termino.

“Gusto kong maging proud kayong lahat ng mga Vilmanians ko sa akin. Kumbaga, gusto kong maka-graduate with flying colors,” sey pa niya.

Pero tiniyak ni Ate Vi na maipalabas ang All of My Life early next year, bago pa man magsimula ang kampanyahan. Tatakbo kasi for congresswoman sa lone district ng Lipa City ang Star for All Seasons.

Samantala, gusto naming pasalamatan ang bumubuo ng Vilma Santos Solid Inc. sa pag-iimbita sa amin sa kanilang bonggang-bongga at organisadong Christmas party sa pangunguna ng kanilang overall president na si Engr. Jojo Lim.

Siyempre, special mention ang kaibigang Master Joey Cruz sa super bonggang Christmas gift niya sa amin ng anak kong si Joshua James Escala.—Jimi Escala