Wanted na carnapper, patay sa engkuwentro

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

DOÑA REMEDIOS TRINIDAD, Bulacan – Isang lalaki, na wanted sa pagkakasangkot sa carnapping at illegal drugs, ang napatay ng mga pulis matapos umanong manlaban habang inaaresto sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Melvon Trinidad, ng Barangay Talbak, Doña Remedios Trinidad.

Armado ng warrant of arrest, nagtungo ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office sa lugar na pinagtataguan ni Trinidad, subalit nang makita ang paparating ng mga pulis ay pinaputukan umano ni Trinidad ang grupo.

Matapos ang ilang minutong pagpapalitan ng putok ay bumulagta ang suspek, na nasawi.

Nabawi rin umano ng pulisya sa suspek ang isang .45 caliber pistol at ilang sachet na may shabu. (Freddie C. Velez)